Home METRO 1 utas, 6 sugatan sa suwagan ng van, trailer truck sa Bukidnon

1 utas, 6 sugatan sa suwagan ng van, trailer truck sa Bukidnon

284
0

BUKIDNON, Philippines – Patay ang isa habang anim na iba pa ang sugatan nang bumangga ang isang van sa isang trailer truck sa Barangay Sampagar dito pasado alas-3 ng hapon noong Lunes.

Ang mga nasugatan ay limang Benedictine na madre at isang monghe na patungo sa bayan ng Polomolok, South Cotabato province.

Nasawi naman ang driver ng van na si Alfredo Lagrimas.

Ayon kay Kapitan Marlon Subrian, hepe ng Damulog police, namatay si Lagrimas matapos maipit sa loob ng sasakyan dahil sa malakas na impact ng pagkakabangga ng humaharurot na trailer truck na patungong Cagayan de Oro City.

Sinabi ni Subrian na nasa kustodiya na nila ang driver ng trak.

Isinugod ang mga sugatang biktima sa Kibawe Emergency Hospital at kalaunan ay inilipat sa Malaybalay City Hospital.

Ayon sa Benedictine community, nitong martes, na wala na sa panganib ang limang madre at monghe, lahat ay nagpapagaling sa Malaybalay Polymedic Center sa Malaybalay City. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here