Home NATIONWIDE 10.6°C na lamig naitala sa Baguio City

10.6°C na lamig naitala sa Baguio City

286
0

MANILA, Philippines – Naitala ng Baguio City ang pinakamababang temperatura nitong Amihan season sa 10.6°C noong madaling araw ng Biyernes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Gayunpaman, nananatiling may hawak ng rekord ang La Trinidad, Benguet sa pinakamababang temperatura ngayong panahon matapos bumaba ito sa 9.6°C noong Disyembre 30, 2025.

Naranasan din ang malamig na kondisyon sa ilang bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon, kabilang ang Basco, Batanes na umabot sa 16.2°C at Tanay, Rizal sa 16.3°C.

Nagtala rin ng temperatura sa ibaba ng 20°C ang ilang lugar gaya ng Malaybalay City (17.6°C), San Ildefonso (18.2°C), Laoag City (18.5°C), Tuguegarao City (19.0°C), at Clark, Pampanga (19.2°C). Sa Metro Manila, tumaas nang bahagya ang temperatura sa Science Garden, Quezon City sa 20.1°C mula sa 19.6°C noong nakaraang araw.

Ayon sa PAGASA, inaasahang magpapatuloy ang kasalukuyang pag-ulan ng Amihan na sumasaklaw na sa buong kapuluan hanggang sa katapusan ng linggo, at posibleng bumaba pa ang temperatura lalo na tuwing malinaw ang kalangitan at mahinahon ang hangin.

Magdudulot din ito ng magagaan hanggang katamtamang pag-ulan sa silangang bahagi ng Cordillera, Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Bicol Region, Eastern Visayas, at ilang bahagi ng Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region.

Nananatiling naka-gale warning ang seaboards ng Bicol, Samar Island, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur dahil sa rough hanggang very rough na dagat na may alon hanggang 4.5 metro. Pinapayuhan ang maliliit na bangka na iwasan ang paglalayag. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here