Home METRO 10-anyos, isa pa sugatan sa malakas na paputok sa Tondo; 3 bahay,...

10-anyos, isa pa sugatan sa malakas na paputok sa Tondo; 3 bahay, damay

237
0

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang matanda at isang 10-anyos na babae nang sumabog ang isang malakas na paputok sa Tondo, Manila sa pagdiriwang ng Bagong Taon nitong Huwebes.

Nagdulot din ang pagsabog ng pinsala sa tatlong bahay, kasama ang nabasag na bintana at pader.

Ayon sa mga residente, ang pagsabog ay mula sa isang paputok na maaaring itinapon o naiwan sa isang traysikel.

“Pagka-putok, nandiyan na ‘yan, hindi siguro nasindihan, tumakbo. Pero malamang mas malaki pa ‘yung pinaputok diyan. Biro mo ang lakas,” ani Joseph Palma, na nagtamo rin ng maliit na sugat sa hita.

Ayon sa Manila Police District, mababa ang explosive component ng paputok at kasalukuyang sinusuri ang CCTV footage upang matukoy ang posibleng suspek.

Patuloy din ang awtoridad sa pagbabantay sa mga kaso ng indiscriminate firing. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here