Home NATIONWIDE Walang basura sa Traslacion 2026, panawagan ng EcoWaste

Walang basura sa Traslacion 2026, panawagan ng EcoWaste

276
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang EcoWaste Coalition sa publiko na panatilihing malinis at walang basura ang mga lansangan sa Traslacion 2026 ng Fiesta ng Jesus Nazareno sa Enero 9, na kasabay ng selebrasyon ng Zero Waste Month.

“Let our people’s profound faith in Nuestro Padre Jesus Nazareno inspire us to be better stewards of our planet… preventing and reducing waste and not littering,” ayon kay Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino.

Ayon sa grupo, ang mga nakaraang selebrasyon ay nag-iwan ng daan-daang metriko toneladang basura, karamihan ay single-use plastics, food containers, bamboo sticks, at sigarilyo, na nakakasira sa kapaligiran, nakakasagabal sa daloy ng tubig, at nakakaambag sa climate change.

Hinimok din ng EcoWaste ang awtoridad na ipatupad ang Ecological Solid Waste Management Act, na nagpapataw ng P300 hanggang P1,000 na multa at community service sa mga naba-bastos sa basura. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here