MANILA, Philippines – Nailigtas ang isang 10-anyos na bata sa Navotas City na pinipilit umano ng kanyang ina at ng kinakasama na magbenta ng droga.
Itinago sa pangalang ‘Ron’ ang bata kung saan sinabi niya sa awtoridad na sinasaktan siya ng kanyang magulang kapag sumuway siya at tumangging magbenta ng droga.
Dagdag pa ni Ron na tumagal ng halos isang taon ang nasabing kalakaran at naglakas loob na lang siyang tumakas at magsumbong sa kanyang lola.
Dito na humingi ng tulong ang lola sa mga awtoridad.
Arestado naman ang lalaki at isang kasama sa isang buy-bust operation, ngunit itinanggi niya ang mga paratang.
Sinampahan pa rin siya ng kasong pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga. RNT