MANILA, Philippines- Patay ang isang 10 taong gulang na batang lalaki matapos sumailalim sa ‘tuli’ sa isang lying-in sa Tondo, Maynila.
Sa ulat, nang simulan ang proseso ng doktor ay nagsimula na rin umanong manginig ang biktima.
Ayon sa ina ng bata na si Marjorie San Agustin, malakas ang kanyang anak nang dalhin sa clinic.
Aniya, alas-2 ng hapon nang dalhin niya sa clinic ang anak noong Sabado, May 17.
Isang nagpakilalang doktor naman ang nagsagawa ng procedure.
Bago ang pagtuli, binigyan ng anesthesia ang anak na 20cc ayon na rin umano sa staff ng clinic.
Nang tanungin anak, sinabi ng bata na wala na itong nararamdaman saka nanginig.
Sinabi naman ng doktor na normal lamang ito dahil groggy umano sa anesthesia.
Nakadilat din umano ang anak ngunit wala na sa sarili.
Isinugod pa sa ospital ang bata at sinubukang i-revive ngunit binawian na ito ng buhay.
Hindi naman matanggap ni Marjorie ang nangyari sa kanyang anak at sinabing hindi niya mapapatawad kung may kasanalan ang klinika.
Idinulog na ng pamilya sa Manila Police District ang insidente at nagpasaklolo rin sa National Bureau of Investigation para sa kaukulang imbestigasyon.Jocelyn Tabangcura-Domenden