Home NATIONWIDE 10-day nationwide voters registration ‘di na palalawigin ng Comelec

10-day nationwide voters registration ‘di na palalawigin ng Comelec

118
0

MANILA, Philippines – Hindi na palalawigin pa ng Commission on Elections (Comelec) ang sampung araw na nationwide voters registration para sa 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na walang dahilan para palawigin ang registration period sa gitna ng mataas na turnout ng registrants.

Binanggit din ni Laudiangco ang 120-araw na election registration ban sa gitna ng nalalapit na Bangsamoro elections sa Oktubre 13, 2025, gayundin ang panahon ng pagproseso ng registration sa kanilang Special Registration Anywhere Program (SRAP) sites sa Metro Manila.

Ayon kay Laudiangco, pinagbabawal ng ating batas, Republic Act No. 8189, ang pagpaparehistro 120 araw bago ang halalan.

Sinimulan ng Comelec ang sampung araw na voter registration sa buong bansa para sa 2025 BSKE noong Agosto 1 at tatagal hanggang Agosto 10.

Gayunman, ang voter registration sa SRAP sites ay hanggang Agosto 7 lamang.

Sa datos ng Comelec, ipinakita na mahigit sa 880,000 indibidwal ang nagparehistro para sa 2025 BSKE noong Agosto 4 — na malapit na sa kanilang target na isang milyong registrants. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here