Home METRO 7 tigok sa leptospirosis, naitala sa San Lazaro Hospital

7 tigok sa leptospirosis, naitala sa San Lazaro Hospital

257
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng pitong pagkamatay dahil sa leptospirosis ang San Lazaro Hospital sa Maynila sa unang limang araw ngayong Agosto.

Kabilang sa mga namatay ang isang 16 taong gulang dahil sa acute renal o kidney failure.

Sinabi ng San Lazaro na lahat ng nasawi ay lumusong sa baha bunsod ng patuloy na pag-ulan dulot ng habagat at bagyo.

Ayon pa sa San Lazaro Hospital, ang naturang sakit ay medyo agresibo kung saan sa loob ng dalawa hanggang pitong araw ay nagkakaroon sila ng komplikasyon sa kidney, liver o atay, respiratory system o baga, kung saan sila ay nahihirapang umihi at huminga kaya kailangang i-ventilator.

Noong Agosto 5, nasa 45 pasyente ng leptospirosis ang naka-confine sa San Lazaro Hospital, kung saan 15 ay menor de edad.

Sa datos ng naturang ospital, ang mga pasyente ng leptospirosis ay mula sa Metro Manila, Cavite, at Laguna, na karamihan ay mula sa Maynila.

Apat sa naka-confine na pasyente ay nasa intensive care unit.

Samantala, nakapagtala rin ng 44 kaso ng leptospirosis ang Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City noong Agosto 5, karamihan ay mula sa nasabing lungsod.

Nakapagtala naman ang Department of Health (DOH) ng mahigit 500 kaso ng leptospirosis noong Hulyo 2025.

Gayunman, wala pang datos kung ilan ang nagkaroon ng naturang sakit dahil sa sunod-sunod na sama ng panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here