MANILA, Philippines – Kasalukuyang nasusunog ang isang residential area sa Happyland sa bahagi ng Road 10 sa Tondo, Maynila.
Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), agad inakyat sa unang alarma ang sunog bandang alas-9:47 matapos itong sumiklab alas-9:44 ng umaga.
Mabilis na kumalat ang apoy, at batay sa ibinahaging larawan ng Manila City Government, mala-impyerno na ang laki at lawak ng apoy at makapal na itim na usok sa mga nasusunog na kabahayan.
Dahil gawa sa kahoy o light materials ang mga bahay, mabilis itong nilamon ng apoy at natupok, kaya mabilis ding inakyat ang alarma sa Task Force Alpha ganap na 10:17 ng umaga.
Sunod-sunod naman ang pagdating ngayon ng mga bumbero sa lugar upang tulong-tulong na apulahin ang napakalaking sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden