MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang 10 katao makaraang makuhanan ng mga ilegal na droga sa isang buybust operation ng PDEA sa Brgy. Palico 1, Imus City, Cavite.
Ayon sa report, nagsagawa ng drug operation ang PDEA, Cavite Police at PDEA Laguna, kasama ang Cavite Maritime Police sa Villa Calla ng nasabing lungsod.
Nakumpiska mula sa mga ito ang may 106 tabletas ng Ecstacy MDMA na may halagang P180,200, Marijuana Kush, P7,500, Ketamine P5,000 at Liquid Ecstacy na may halagang P4,200.
Nakakrekober din ang ibat ibang klase ng celphone, buybust money at mga drug paraphernalias.
Nasa kostudiya ngayon ng Pdea Cavite ang mga nadakip na suspek. MARGIE BAUTISTA