Home NATIONWIDE ’10 Million Solar Rooftops Challenge’ inilunsad ng green advocacy group

’10 Million Solar Rooftops Challenge’ inilunsad ng green advocacy group

127
0
(c) Jonathan Liwanes Mayuga

MANILA, Philippines — Inilunsad ng iba’t ibang grupo na nagsusulong para sa renewable energy ang “10 Million Solar Rooftops Challenge” nitong Martes.

Sa isinagawang Summit for Clean and Affordable Renewable Energy na ginanap sa Quezon City, ipinakilala ang inisyatiba upang himukin ang mga tanggapan ng gobyerno, pribadong sektor, at mga organisasyon na makiisa sa adbokasiya ng pag-install ng mga solar rooftop sa gitna ng tumataas na gastos sa kuryente at krisis sa klima.

Ang nasabing multi-sectoral advocacy ay itinutulak ng humigit-kumulang 20 organisasyon kabilang ang Center for Energy, Ecology, and Development (CEED), Caritas Philippines, Power 4 People, at ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Sinabi ni CEED Deputy Executive Director Avril De Torres isang ulat na ang 10 Million Solar Rooftops Challenge ay isang hakbang patungo sa paglipat sa renewable energy upang bawasan ang mga fossil fuel emissions na nakakatulong sa pagbabago ng klima.

“Sa pag-aaral ng CEED, alam na natin na mahal ang kuryente, isa sa pinakadalihan ang paggamit natin ng fossil fuels. Hindi lang marumi, mahal pa. Para sa amin, kung urban poor community nahihirapan magbayad ng bill, bakit hindi na lang magsolar rooftop?” ani De Torres.

Ang inisyatiba ay naglalayong maglagay ng kabuuang 10 gigawatts na maaaring magamit sa mga kabahayan at mga target na komunidad tulad ng mga urban poor at indigenous na komunidad, paaralan, at simbahan.

“Naniniwala tayo na kaya natin mag-100 percent electrification kasi napakayaman natin sa renewable energy. Compared sa fossil fuels, pwede tayong magtayo nito kahit hindi konektado sa grid. Isa kasi ‘yan sa challenges natin. With solar rooftops, we agree with DOE na isa ito sa solusyon,” dagdag pa ni De Torres.

Target ng advocacy group na pumasok sa grants at partnership para pondohan ang pag-install ng mga solar rooftop.

Ang mga organisasyong hindi kasama sa consortium ay maaari ding magparehistro ng kanilang mga inisyatiba sa pag-install ng solar sa rooftop upang itaas ang kamalayan sa adbokasiya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here