Home ENTERTAINMENT 10 MMFF entries, dadalhin sa US!

10 MMFF entries, dadalhin sa US!

Manila, Philippines – The MMDA is no doubt getting its inspiration from this year’s

resounding success of all 10 official entries na kalahok sa Metro Manila Film Festival sa taong ito.

Sa katunayan, the said government agency is cooking up a much bigger event.

Ito’y ang tatawagin nilang “the first Manila International Film Festival.”

Scheduled on the latter part of January 2024 until the first week of February, balak dalhin ng MMDA ang sampung pelikula sa Amerika.

Ito’y para magkaroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na mapanood ang mga ito.

Magkakaroon din ng premiere night ang bawat pelikula.

What’s more, sagot ng ahensya ang gastos ng mga artistang makakasamang mag-promote ng kani-kanilang entries.

‘Yun nga lang, because of the said event ay posibleng mag-suffer o makompromiso ang paghahanda para sa susunod na Summer Film Festival sa bansa.

Anyway, welcome development ito para sa mga participating film producers na magkakaroon din ng pagkakataon to go global.

Samantala, balitang ang ilan sa mga artistang “suki” na ng taunang MMFF have signified their interest to join next year.

So, expect the likes of Vic Sotto, Coco Martin and Vice Ganda in the MMFF 2024. Ronnie Carrasco III

Previous articleLotto Draw Result as of | January 3, 2024
Next articleAndrea, nagpunta ng Spain; Netizen, hinanap si Daniel!