Home ENTERTAINMENT Andrea, nagpunta ng Spain; Netizen, hinanap si Daniel!

Andrea, nagpunta ng Spain; Netizen, hinanap si Daniel!

Manila, Philippines – Solo. Alone. All by myself.

Ito ang mga katagang paulit-ulit na binibigkas ni Andrea Brillantes nang bumiyahe sa Spain.

Ang kanyang pag-e-explore sa nasabing European nation ang nilalaman ng in-upload niyang vlog.

Mahihinuhang non-business-related ang recent trip ng aktres to Spain.

And take note, nakakabilib ang lakas ng loob niyang mag-travel–gaya nga ng pambungad ng item na ito–solo, alone at all by herself.

Obviously, ang hinahanap na tao sa kanya na si Daniel Padilla ay hindi travel buddy ni Andrea.

Gaya ng alam ng lahat, si Andrea ang itinuturong isa sa mga pangunahing dahilan sa likod ng paghihiwalay nina Daniel at Kathryn Bernardo.

Andrea’s travel vloa serves as “resibo” o pruweba that there exists no romance between her and the actor.

Sa simula ng vlog ay kinailangan ng aktres ng tour guide.

Inilibot siya nito sa Granada, Seville, Madrid at iba pang jaw-dropping tourist destinations sa Spain.

Ang sumunod na eksena’y mag-isa na lang ginagalugad ni Andrea ang iba pang lugar.

She found instant friends sa mga kapwa rin niya turista who even taught her certain German words.

Ikina-touch ng aktres ang pagiging magiliw ng mga ito.

Pinuri naman si Andrea sa kanyang lakas ng loob in exploring Spain.

Pero higit doon ay ang katotohanang tila damage control ang naturang vlog para ipamukha sa mga netizens na walang katotohanan ang tungkol sa kanila ni Daniel.

To this day, nananatiling NR o no reaction sina Daniel at Andrea to talks linking them.

Well, Andrea’s vlog says it all! Ronnie Carrasco IiI

Previous article10 MMFF entries, dadalhin sa US!
Next articleKim, inggit much kay Angelica!