Home ENTERTAINMENT Kim, inggit much kay Angelica!

Kim, inggit much kay Angelica!

Manila, Philippines – Always a bridesmaid, never a bride?

Harinawang huwag naman ganito ang sapitin ni Kim Chiu who’s now back to being single.

Kamakailan nga’y kinumpirma mismo ni Kim sa kanyang social media account ang aniya’y “end of a love story.”

Kim was particularly referring to her 12-year romance with Xian Lim.

Ipinapalagay na ang kawalan umano ni Xian ng plano para pakasalan si Kim ang dahilan ng

pakikipaghiwalay ng Chinita Princess sa nobyo.

Nitong December 31 ay um-attend pa si Kim sa kasal ng kaibigang si Angelica Panganiban.

Angelica and non-showbiz fiancè Gregg Homan tied the knot in Los Angeles, California.

May mahabang post si Kim sa Instagram as she bore witness to Angelica and Gregg’s everlasting love for each other.

Perfect timing din daw ang pag-isang-dibdib ng mga ito.

Sa bandang huli ay may bilin si Kim sa groom: “Alagaan mo ang momsy namin forever!”

Sina Angelica, Kim plus Bela Padilla comprise their group called AngBeKi.

Of the three, tanging si Kim na lang ang single yet is not necessarily in search of a boyfriend after Xian.

In fairness to Xian, he has nice and loving words for Kim.

Suportado rin si Kim ng co-host niya sa It’s Showtime na si Vice Ganda.

The Unkaboggable Star was recently quoted to have told Kim: “You deserve better!”

Kim’s photos taken at Angelica’s wedding prove na may halong “inggit” ang kanyang nararamdaman, wishing na matagpuan din sana niya ang makakasama for the rest of her life. Ronnie Carrasco III