MANILA, Philippines – Inendorso ng Food and Drug Administration (FDA) ang 10 karagdagang gamot para sa VAT exemption, bilang bahagi ng hakbang ng gobyerno na pababain ang gastos sa kalusugan.
Kabilang sa mga gamot ang panlunas sa high cholesterol, kanser, diabetes, altapresyon, at sakit sa pag-iisip.
Idadagdag ang mga ito sa listahan ng VAT-exempt medicines ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ayon sa FDA, ang pagtanggal ng 12% VAT ay makakatulong sa pagpapalawak ng akses sa mahahalagang gamot, lalo na para sa mga may malalang karamdaman na nangangailangan ng pangmatagalang gamutan. RNT