Home NATIONWIDE 10 pang marinerong Pinoy sa barkong binihag ng Iran makakauwi na –...

10 pang marinerong Pinoy sa barkong binihag ng Iran makakauwi na – DFA

MANILA, Philippines – Sampung iba pang Filipino seafarers mula sa isang oil tanker na hinarang ng Iran ang posibleng makauwi sa lalong madaling panahon, ayon kay Department fof Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega.

Sinabi ni De Vega na ang lahat ng mga marino ay nananatiling nasa mabuting kalusugan at patuloy na gumaganap ng kanilang mga tungkulin sa barkong St. Nikolas, na kinuha ng Iranian Navy noong unang bahagi ng Enero.

Ang aksyon ay ang pagganti ng Iran sa pag-agaw ng US ng Iranian crude sa parehong sasakyang-dagat noong 2023.

“Naka-embargo yung ship as part of a legal process hindi dahil gyera. Kaya may trabaho sila. May sampu sa kanila matatapos na yung kontrata at ire-replace in time, siguro itong buwan pa lang, ng foreign nationals. Ayaw natin ng ibang Pilipino tripulante,” ani de Vega.

Isang Filipino seafarer pa lang ang pinakawalan hanggang noong nakaraang Pebrero. Paliwanag ni De Vega, pinili ng nasabing Filipino na umuwi, habang ang iba ay nagpahayag ng willing na manatili.

Ang 17 Filipino seafarers na hawak ng Houthis sa Yemen ay ibang kuwento, gayunpaman. Ang DFA ay patuloy na nakikipag-usap sa ilang mga pamahalaan upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Tiniyak din ni De Vega na ligtas ang lahat ng Filipino seafarers na hostage ng mga Houthis.

“Yung ating disi-syete. Nakakatawag sa pamilya nila at least once a week, we wish it was more and so far, they are safe. Kasi nananawagan din tayo sa British and Americans, eh kasi sila yung sumasalakay sa Houthis ngayon, wag tamaan yung mga barko dun sa port kasi may mga inosente don, so baka matamaan pa yung Galaxy Leader,” pabatid pa ni de Vega. RNT

Previous articleAarestuhing Tsino nakipaghabulan, barilan sa mga parak sa BGC
Next article14 senador nagpahayag ng suporta sa liderato ni Zubiri