Home NATIONWIDE 10 pang planta ng kuryente, pumalya sa Visayas

10 pang planta ng kuryente, pumalya sa Visayas

59
0

MANILA, Philippines – Lumala pa ang problema sa suplay ng kuryente sa Visayas matapos pumalya ang 10 karagdagang generating units nitong Lunes, na nagpalobo sa mahigit 1,023 megawatts ang hindi magamit na kapasidad sa rehiyon.

Dahil dito, pinalawig ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert status hanggang alas-10 ng gabi at nagpatupad ng manual load dropping sa ilang lalawigan upang maiwasan ang malawakang brownout.

Ayon sa NGCP, bumaba sa 2,514 MW ang available capacity laban sa inaasahang 2,437 MW na peak demand. Kabilang sa mga bagong nagka-forced outage ang mga unit ng Cebu Private Power Corp., Central Negros Power Reliability Inc., Bohol Diesel Power Plant, Panay Diesel Power Plant 1 at Power Barge 101.

Patuloy na nakararanas ng yellow alert ang Visayas grid mula pa noong Mayo 12 dahil sa sunod-sunod na aberya sa mga planta ng kuryente, kabilang ang ilang malalaking generating facilities na inaasahang maibabalik lamang sa operasyon sa mga susunod na buwan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here