Home METRO 10 sugatan sa araro ng jeep

10 sugatan sa araro ng jeep

172
0

MANILA, Philippines- Sugatan ang nasa 10 indibidwal matapos umanong araruhin ng isang jeep ang ilang sasakyan sa Recto Avenue nitong Lunes ng gabi.

Inilahad ng ilang saksi na pumalya umano ang preno ng jeep na naging mitsa ng pagbangga nito sa dalawang toktok at dalawang motorsiklo, maging sa isang delivery truck.

Batay sa CCTV footage, makikita ang pagtilapon ng isang pasahero ng toktok at pagpakakakaladkad ng isa pa sa ilalim ng jeep.

Nang kumambyo ang jeep patungo sa Reina Regente Street, nahagip nito ang isa pang motorsiklo hanggang sa tuluyang bumangga sa delivery truck.

Agad namang rumesponde ang kapulisan at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa insidente.

“Pagdating namin dito, nakita namin na 10 ang patients pero apat ang ayaw dalhin sa ospital… dalawa ang medyo malala, yung iba possible fracture. So ayun, natulungan naman kami ng volunteers,” pagbabahagi ni Rodolfo Tecson, Jr., administrative assistant sa MDRRMO.

“Ang jeep na umararo sa kanila, ayon sa mga pulis ay nawalan ng preno,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang driver ng jeep para sa imbestigasyon. 

Tumanggi itong magbigay ng pahayag. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here