Home HOME BANNER STORY 10 sugatan sa sumabog na water tank sa Parañaque

10 sugatan sa sumabog na water tank sa Parañaque

MANILA, Philippines – Sugatan ang 10 katao matapos na sumabog ang water tank sa Parañaque City nitong Sabado ng gabi, Marso 10.

Ayon sa mga saksi, ang water tank ay nasa roof deck ng gusali na matatagpuan sa Quirino Avenue sa Barangay Tambo.

Nasira ang bahagi ng gusali dahil sa pagsabog. Bumagsak ang mga debris sa kalsada at tinamaan ang ilang sasakyan, kabilang ang isang sport utility vehicle (SUV) at e-trike.

Naapektuhan din ang linya ng kuryente at kinailangang isara ang kalsada para sa clearing operations. RNT/JGC

Previous articleP14.65M nasolo ng mananaya sa Lotto 6/42
Next articleP100K pabuya alok sa magtuturo sa mga pumatay sa 2 oil palm farmworkers sa Agusan