Home NATIONWIDE 10 tigok, 61 sugatan sa banggaan ng tren at bus sa Mexico

10 tigok, 61 sugatan sa banggaan ng tren at bus sa Mexico

235
0

MANILA, Philippines – Sampu ang nasawi at 61 ang sugatan matapos salpukin ng isang freight train ang double-decker bus sa hilagang-kanluran ng Mexico City nitong Lunes, ayon sa mga awtoridad.

Nangyari ang insidente sa isang industrial zone sa highway sa pagitan ng Atlacomulco at Maravatio. Makikita sa mga larawan na wasak ang itaas na bahagi ng bus habang nagresponde ang mga rescuers.

Ayon sa State of Mexico attorney general’s office, pitong babae at tatlong lalaki ang kabilang sa mga nasawi. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here