Home METRO 100 bahay natupok ng sunog sa Marilao

100 bahay natupok ng sunog sa Marilao

227
0
Photo from Atty. Jem Sy Facebook page

BULACAN, Philippines – Aabot umano sa 100 bahay ang naabo sa mahigit isang oras na sunog sa bayan ng Marilao nitong Lunes ng umaga, Pebrero 9.

Sa ulat na nakarating sa pulisya, nagsimula ang sunog bandang 8:00 ng umaga sa Dulong Gubat, Brgy. Lambakin.

Ayon sa ulat, mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayang gawa ang iba sa light materials na ilang oras din bago naapula ng mga pamatay sunog.

Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Proteksyon sa sanhi ng sunog, halaga nang nasirang ari-arian at  kabuuang apektadong pamilya.

Dahil dito, agad kumilos ang pamahalaang bayan sa pangunguna ni Mayor Atty. Jem Sy na nagbigay ng tulong gaya ng pagkain at nagset-up ng temporary shelter sa isang covered court sa lugar para sa mga kababayang nawalan ng tahanan at ari-arian.

Kaugnay nito, sa Facebook post ng alkalde na nagviral tungkol dito, maraming netizen ang sumaludo sa kanyang agarang aksyon kasabay ang pagnanais na mamigay ng damit sa mga biktima ng sunog. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here