Home LIFESTYLE Camalig LGU: Tourist spots bukas, ligtas bisitahin sa kabila ng pag-aalboroto ng...

Camalig LGU: Tourist spots bukas, ligtas bisitahin sa kabila ng pag-aalboroto ng Mayon

360
0

ALBAY, Philippines – Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay na nananatiling bukas, maayos ang operasyon, at ligtas bisitahin ang lahat ng tourist destinations sa bayan sa kabila ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

Sinabi ni Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo Jr. na ang lahat ng atraksyon ay nasa labas ng 6-kilometrong permanent danger zone.

“We assure you that tourists are safe, as long as they do not enter the 6-km. zone. It is still safe for tourists to visit us,” ani Baldo.

Ayon sa ulat ng tourism office, halos umabot sa 4,000 ang tourist arrivals mula Pebrero 2 hanggang 8, na nagpapakita ng pagdami ng mga bumibisita.

Dagdag pa ni Baldo, “The number of tourists coming here wants to catch a glimpse of Mayon Volcano, even at night. We have campers who come here to really see Mayon Volcano.”

Ipinatupad umano ang mahigpit na precautionary measures upang matiyak ang kaligtasan ng lahat. Pinapayuhan ang mga turista, tourism workers, at residente na magsuot ng face mask lalo na sa mga lugar na may ashfall, at mas mainam ang paggamit ng N95, KN95, o surgical mask.

Pinapayuhan din ang publiko na limitahan ang pananatili sa labas kapag may ashfall, maghugas ng kamay at mukha matapos ma-expose sa abo, at mag-ingat ang mga may sakit sa paghinga. Patuloy ang koordinasyon ng tourism personnel sa PHIVOLCS, Department of Health, at LGU.

Maaaring bisitahin ng mga turista ang mga tanyag na pasyalan sa Camalig tulad ng Sumlang Lake, Quituinan Hills, Sulong Ecopark, at Quituinday Hills. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here