Home METRO 100 iPhone units tinangay ng 4 kawatan!

100 iPhone units tinangay ng 4 kawatan!

MANILA, Philippines- Tinangay ng apat na indibidwal ang 100 iPhone units mula sa isang gadget shop sa Pila, Laguna, noong April 23, ayon sa mga pulis.

Sa ulat nitong Huwebes, sinabi ng Laguna Police Provincial Office (PPO) na humingi ng tulong ang 24-anyos na biktimang kinilalang si “Katrina” sa Pila police bago mag-tanghali, ilang sandali makalipas ang pagnanakaw sa Barangay Bulilan Norte Pila. 

Base kay Katrina, sinabi ng mga pulis na apat na hindi natukoy na kalalakihan ang  pumasok sa tindahan at nagdeklara ng hold-up.

Kinuha ng mga kawatan ang 100 iba’t ibang iPhone units bago lisanin ang shop sakay ng dalawang motorsiklo patungo sa Santa Cruz. 

Ayon sa paglalarawan ng biktima, nakasuot ang isa sa mga suspek ng itim na long-sleeved shirt na may nakasulat na “Team Katagumpay,” habang ang isa ay nakasuot ng pink at black jacket.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. RNT/SA