Home NATIONWIDE DILG chief: ‘Peace and order situation’ sa Pinas bumuti sa ilalim ng...

DILG chief: ‘Peace and order situation’ sa Pinas bumuti sa ilalim ng Marcos admin

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang administrasyong Marcos ng matagumpay na “crime rate, crime clearance at solution efficiency” ng Philippine National Police (PNP) alinsunod sa peace and order program ng gobyerno.

Sa ulat ni Interior and Local Government Secretary at National Peace and Order Council Chairperson Benjamin Abalos sa isinagawang NPOC at Regional Peace and Order Council Meeting sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, tinukoy nito na ang ‘peace and order situation’ sa bansa ay bumuti dahil sa mas mababang index crime volume mula 196,519 mula sa pre-pandemic period na July 1, 2016 hanggang April 21, 2018 na naging 71,544 mula July 1, 2022 hanggang April 21, 2024.

Bumaba rin ang peace and order indicator para sa kaparehong panahon, mula 541,917 mula July 1, 2016 hanggang April 21, 2018 na naging 371,801 mula July 1, 2022 hanggang April 21, 2024.

Bumaba rin ang average monthly crime rate sa kahalintulad na panahon, mula 21.92 na naging 15.04. Ang tinatawag na focus crimes gaya ng “theft, physical injury, robbery, rape, murder, carnapping at homicide” ay bumaba rin mula 196,420 hanggang 71,133 o 63.79% ang ibinaba.

Bumaba rin ang non-index crime volume mula 345,398 mula July 1, 2016 hanggang April 21, 2018 ay naging 300,257 mula July 1, 2022 hanggang April 21, 2024.

Idinagdag pa ni Abalos na nakapagtala ang PNP ng 98.88% ng kabuuang crime clearance efficiency mula January 1, 2023 hanggang March 31, 2024, sinasabing 0.32% na mas mataas kaysa sa crime clearance efficiency report mula October 2021 hanggang December 2022.

Nakapagtala rin ang PNP ng 82.69% ng kabuuang crime solution efficiency mula January 1, 2023 hanggang March 31, 2024, sinasabing 0.62% na mas mataas kaysa sa pigura na naitala mula October 2021 hanggang December 2022.

Pagdating naman sa index crime volume, nakapagtala ang PNP ng 48,587 kaso mula January 2023 hanggang March 24, sinasabing 4,240 o 8.02% na mas mababa kaysa sa 52,827 kaso na naitala mula October 2021 hanggang December 2022. Ang non-index crime, sa kabilang banda, nakapagtala ng 202,377 mula January 2023 hanggang March 2024, sinasabing 11,546 o 5.37% na mas mababa kaysa sa 214,923 naitalang kaso mula October 2021 hanggang December 2022.

Samantala, binigyang kredito naman ni Abalos ang napananatiling crime prevention programs, public safety initiatives at convergent efforts ng DILG at PNP para mapigilan ang krimen at maprotektahan ang mga mamamayan. Kris Jose