Home METRO ‘Stable Internal Peace and Security’ umiiral na sa N. Samar

‘Stable Internal Peace and Security’ umiiral na sa N. Samar

CATARMAN, Northern Samar- Idineklarang nasa state of “Stable Internal Peace and Security” ang probinsyang ito sa tiwalang malaya na laban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Sa pahayag nina Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. at Major Gen. Camilo Ligayo, commander ng 8th Infantry Division, isinailalim sa sa state of Stable Internal Peace and Security ang Northern Samar dahil wala na silang nakikitang aktibong kumikilos na mga gerilyang NPA sa naturang lalawigan.

Dagdag pa ni Ligayo, malaya ang lahat ng barangay sa lalawigan sa impluwensya ng NPA.

Pinangunahan ni Abalos ang Joint Regional Task Force 8-End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) Peace and Development Dialogue noong Lunes.

Binigyang-diin sa dayalogo ang sitwasyong pangkapayapaan, seguridad at ang pagtutulungang pagsisikap ng mga miyembro ng Peace, Law Enforcement, and Development Support Custer ng JRTF8-ELCAC at ang matagumpay na pagbuwag sa mga natitirang larangang gerilya na pinangunahan ng sibilyan.

Ibinunyag ni Gen. Efren Morados, commander ng 803rd Infantry Brigade, na limang vertical units na lamang ng NPA ang natitira na mga labi ng iba’t ibang front committee units sa Eastern Visayas.

Ani, Morados mayroong isang pamantayan para maideklarang insurgency-free ang Northern Samar. “Dapat walang report, sightings, o galaw ng mga NPA sa lugar.

Ayon naman kay Gob. Edwin Ongchuan bukod sa kanilang mga regular na programa sa ilalim ng TF-ELCAC, mayroong mahigit 50 dating rebeldeng komunista na kinuha bilang mga magsasaka ng pamahalaang panlalawigan upang dagdagan ang produksyon ng palay, mais, at iba pang mas mataas na pangangailangan na mga pananim.

Binigyan rin ang mga ito ng mga bahay sa Kauswagan Village, at livelihood community para sa mga dating rebelde sa Barangay Cablangan, Mondragon.

Sinabi pa ng mga opisyal na ang Northern Samar ang prayoridad sa kampanya kontra-insurhensya ng Northern Samar dahil kilala ito bilang balwarte ng insurhensya.

Layon din ng task force na tuluyan tuldukan ang insurhensya sa pagtatapos ng taon. Mary Anne Sapico