Home NATIONWIDE 10,000 nakaw na sasakyan narekober ng HPG sa 3 buwan

10,000 nakaw na sasakyan narekober ng HPG sa 3 buwan

260
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) na nakarekober sila ng mahigit 10,000 nakaw na sasakyan sa buong bansa mula Setyembre 1 hanggang Nobyembre 24 sa ilalim ng Balik Sasakyan Program.

Naibalik na sa may-ari ang mga na-recover na sasakyan, kabilang ang halos 2,000 kotse at 8,746 motorsiklo.

Karamihan ng mga nakaw na sasakyan ay nakuha gamit ang “rentangay” o “pay-to-return” schemes.

Ayon kay PNP-HPG chief Police Colonel Hansel Marantan, nagsisimula ang recovery kapag na-flag down ang mga sasakyan dahil sa traffic violations at natuklasan na hindi maipakita ng mga umano’y may-ari ang katibayan ng pagmamay-ari.

Sa parehong panahon, naaresto ng HPG ang 277 katao, nakarekober ng 12 baril, at na-impound ang 2,738 sasakyan at 10,928 motorsiklo dahil sa paglabag sa batas-trapiko.

Nakuha rin ang 45 sirena, 980 blinkers, at 8 mufflers na isasailalim sa pagkasira upang mapanatili ang batas trapiko.

Aniya, tinatarget din ng PNP-HPG ang mga nagbebenta ng ilegal na sirena, blinkers, at mufflers, na maaaring patawan ng parusa alinsunod sa Presidential Decree No. 96. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here