MANILA, Philippines — Halos 100,000 pulis ang dineploy sa buong bansa para sa Semana Santa 2026 bilang bahagi ng full alert measures upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr., naka-deploy ang mga pulis sa mga simbahan, pilgrimage sites, dalampasigan, resort, at iba pang pasyalan.
“We recognize the importance of Holy Week in the life of our people,” ani Nartatez.
“Ang ating layunin ay masiguro ang kaligtasan ng bawat isa – manlalakbay man o mananampalataya (Our goal is to ensure the safety of everyone – whether they are travelers or believers). We want everyone to observe this sacred tradition with peace of mind,” dagdag niya.
Sa kabuuang 148,193 security personnel, 98,636 ang mula sa PNP, 12,507 ang mula sa iba pang uniformed services, at 37,050 ang force multipliers.
“We are not just present – we are proactive. Nakikipagtulungan kami sa bawat komunidad para maiwasan ang mga insidente at mapangalagaan ang kapayapaan (We are cooperating with every community to prevent incidents and maintain peace),” ani Nartatez.
Hinimok din ng PNP ang publiko na maging mapagmatyag, bantayan ang kanilang mga gamit, at i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad. Santi Celario