Home ENTERTAINMENT Post ni Allan K, nagdulot ng panic!

Post ni Allan K, nagdulot ng panic!

172
0

Manila, Philippines – Isa kami sa magpapatunay na walang Facebook account si Allan K.

Entonces, hindi siya ang nag-post tungkol sa krisis sa bansa na kailangan nating paghandaan.

Nakakaalarma nga naman ang fake post na iyon na iniuugnay sa TV host-comedian.

Dapat daw kasing mag-stock up na tayo ng mga pagkain, pati na rin ng pera.

“Mag-stock kayo ng pagkain. Sa mga may bata, mag-stock kayo ng maraming tubig at solar power station. Hindi natin alam kung ano’ng mangyayari sa mga susunod na buwan.

“Maaaring kahit paano ay maayos pa sa ngayon. Pero hindi natin alam, pag gising natin kinabukasan, kung ano na ang sitwasyon.

“Kaya kung may itinatago kayong pera, ilabas n’yo na ’yan dahil pag nagkaroon ng matinding krisis, wala nang silbi ang pera!” — ayon sa post kuno ni Allan K.

Akala ng lahat ay lehitimo ito dahil verified at may blue check ang account.

Mabilis namang pinabulaanan ni Allan K ang post: “Hindi po ako ito. Wala po akong Facebook account.” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here