MANILA, Philippines – Umakyat na sa 100,020 pamilya ang apektado ng mga pag-ulan dala ng Habagat sa Calabarzon.
Sa report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mga apektadong pamilya ay mula sa 554 barangay sa mga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Mahigit 9,500 pamilya ang tumutuloy sa 282 evacuation centers sa 50 lokalidad sa rehiyon.
“The majority, or more than 5,000 families, are from the province of Rizal, which was the hardest hit by the rains and flooding,” ayon sa DSWD.
Ang 282 evacuation centers ay nagpapatuloy ng 9,511 displaced families sa Rizal sa 86 centers, sinundan ng Batangas sa 75, Cavite sa 73, Laguna sa 32 at Quezon sa 16.
Nakapagbigay na ang DSWD ng P2.56 milyon ng tulong sa mga apektadong bayan kabilang ang 3,453 family food packs. RNT/JGC