Home NATIONWIDE Bahagi ng flood control dike sa Pampanga gumuho

Bahagi ng flood control dike sa Pampanga gumuho

1
0

MANILA, Philippines – Gumuho ang 100 metrong bahagi ng San Fernando-Sto. Tomas-Minalin Tail Dike sa Minalin, Pampanga, dahil sa tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan, ayon kay Pampanga Vice Gov. Dennis Pineda.

Ito ang iniulat ni Pineda nitong Lunes, Agosto 10 kasunod ng inspeksyon sa lugar kasama si Minalin Mayor Philip Naguit.

“Ito po ang nakita namin ni Mayor Philip Naguit nang mag-inspection kami kanina,” ani Pineda.

Dahil dito ay maaaring maapektuhan ang ilang fishpond sa lugar na nagsisilbing pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga residente.

Hihiling si Gov. Lilia Pineda kay Public Works Secretary Vivencio Dizon na agad ayusin ang naturang dike.

Ang San-Fernando-Sto. Tomas-Minalin Tail Dike ay 10-kilometer long flood control structure downstream ng FVR Megadike.

Ito ay itinayo noong 1990s upang magsilbing depensa ng City of San Fernando at mga bayan ng Sto. Tomas at Minalin laban sa lahar flow na umaagos sa Gugu River mula sa mga dalisdis ng Mt. Pinatubo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here