MANILA, Philippines – Brutal na pinaslang ang mag-asawa at kanilang 10-taong gulang na anak sa loob ng kanilang tindahan sa San Leonardo, Nueva Ecija, nitong Miyerkules ng hapon.
Tatlong armadong lalaki, gamit ang .45 caliber na baril, ang biglang pumasok at walang awang namaril, na agad na ikinamatay ng pamilya.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo.
Narekober ng mga awtoridad ang mga basyo ng bala sa pinangyarihan ng krimen at agad na nagsagawa ng manhunt operation.
Dalawang magkapatid ang naaresto habang patuloy na tinutugis ang dalawa pang suspek.
Hinihinalang may kinalaman sa utang ang motibo ng krimen.
Ayon sa pulisya, dati nang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga suspek at biktima kaugnay sa utang.
Naunang inatake ng granada ang tindahan ng pamilya, na nauwi sa isang kasunduan kung saan nagbayad ang mga suspek ng ₱150,000 at ibinigay ang titulo ng kanilang lupa.
Iniimbestigahan din ang posibilidad na bayarang mamamatay-tao ang mga salarin.
Kasalukuyang nakakulong ang mga naarestong suspek sa San Leonardo Police Station at mahaharap sa kasong multiple murder. Patuloy namang pinaghahanap ang iba pang sangkot sa krimen. RNT