Home NATIONWIDE ER ng PGH overcapacity na; DOH umalalay

ER ng PGH overcapacity na; DOH umalalay

MANILA, Philippines – Nilimitahan ng Philippine General Hospital (PGH) ang pagtanggap ng mga pasyente sa emergency room dahil sa matinding pagsisikip.

Ayon kay PGH spokesperson Jonas del Rosario, umabot sa kritikal na antas ang dami ng pasyente, na nagdulot ng kakulangan sa oxygen cords.

Nagpatupad sila ng “code triage” upang unahin ang mga may malubhang kondisyon. Umaasa silang mareresolba ito sa loob ng isang linggo.

Nakipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa PGH upang ilipat ang ilang pasyente sa 20 DOH-accredited hospitals.

Tiniyak ni DOH Secretary Teodoro Herbosa na walang kakaibang o mapanganib na dahilan sa pagdami ng pasyente at inaasahang bababa ito sa mga susunod na araw.

Hinimok niya ang mga ospital, klinika, at ambulansya na dalhin ang mga bagong pasyente sa DOH hospitals.

Pinapayuhan ang publiko na tumawag muna sa DOH Metro Manila Center for Health Development bago pumunta sa mga DOH-accredited hospitals. RNT