Home NATIONWIDE Curlee Discaya, ibinigay ng Senado sa CIDG sa kaso ng flood control...

Curlee Discaya, ibinigay ng Senado sa CIDG sa kaso ng flood control scandal

1
0

MANILA, Philippines – Pormal nang ibinigay ng Senado si Pacifico “Curlee” Discaya III sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) base sa warrant of arrest na ipinalabas ng korte sa Malolos City, Bulacan kaugnay ng flood control scandal.

Matagal nang nasa kustodiya ng Senado si Discaya matapos kasuhan ng contempt sa pagsisinungaling at ayaw ilantad sa ginanap na pagdinig ng Blue Ribbon Committee na dating pinamumunuan ni Senador Panfilo Lacson hinggil sa flood control anomaly.

Kamakailan, nagpalabas ng warrant of arrest ang Branch 20 ng Regional Trial Court of Malolos City Bulacan laban kay Discaya para sa non-bailable charge na malversation of public funds sa pamamagitan ng falsification of public documents, sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Isinagawa ang booking procedures sa loob mismo ng Senado kabilang pagkuha ng mugsnhots at fingerprints.

Sumakay si Discaya sa ilang police mobile patrol saka tumungo sa Malolos, Bulacan upang iharap sa korte.

Bukod kay Curlee, nagpalabas din ng warrant of arrest laban kay Cezarah “Sarah” at siya na indibiduwal sa kasong malversation  sa pamamagitan ng  falsification of public documents bilang kasangkot sa kickback scheme mula flood control projects.

Inihain ang naturang kaso ng Office of the Ombudsman laban sa mag-asawang Discaya at 10 iba pa na sangkot sa maanomalyang flood control project sa Calumpit, Bulacan. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here