Home NATIONWIDE 2,036 armas kumpiskado sa election gun ban

2,036 armas kumpiskado sa election gun ban

MANILA, Philippines – Mula nang magsimula ang gun ban noong Enero 12, nakakumpiska na ng mga awtoridad ang 2,036 baril bago ang midterm elections sa Mayo, ayon sa PNP.

Pinakamaraming nasamsam sa Metro Manila, habang pinakamababa sa Mimaropa.

Karamihan ay revolver (812) at pistol (565), pati na rin ang rifles, shotguns, replicas, at pampasabog.

Umabot sa 134 ang naaresto sa gun buy-bust operations.

Nanatili sa 11 ang kumpirmadong election-related incidents, habang 1,969 katao na ang naaresto. Santi Celario