MANILA, Philippines – Isinagawa ang isang mass pledge bilang pangako na wakasan na ang kultura ng karahasan at diskriminasyon sa mga kababaihan.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang event na isinagawa sa grandstand ng Quezon City Police District (QCPD) headquarters sa Camp Karingal kasama sina QCPD Director Brig. Gen. Roderico Maranan, MOVE (Men Opposed to Violence Everywhere) Vice Chairman for Luzon Donald Amado Caballero, at MOVE Secretary General Jonathan Pascual.
Iba’t ibang mga kalalakihan mula sa mga barangay ng Quezon City at Districts 1,2,3,4,6, kasama ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection personnel ang nanumpa na tutugon sa mga prinsipyo ng MOVE.
Hinamon ni Belmonte ang mga lalaki sa Quezon City na maging gentleman, may respeto at paggalang, at maging patas sa lahat ng mga babae.
Pinasalamatan niya ang mga ito sa paglahok sa MOVE na layong tuluyan nang wakasan at karahasan at diskriminasyon sa mga kababaihan.
Isinusulong ng alkalde ang five-point agenda, ito ay ang women’s education, rejection of views sa verbal o violent treatment sa mga babae, aktibong tugon sa mga nagpapatuloy na pag-abuso sa mga babae, at pagbibigay ng agarang tulong sa mga biktima, kasabay ng paglikha ng mga polisiya upang matigil na ang pagmamaltrato. RNT/JGC