SOUTH KOREA – Anim ang nawawala matapos na lumubog ang bangkang pangisda ng South Korea sakay ang siyam na crew, kabilang ang pitong Indonesians.
Ang 29-ton vessel ay tumaob sa dagat 68 kilometro timog ng isla sa coastal city ng Tongyeong, nitong Sabado ng madaling araw, Marso 9.
Sa kasalukuyan ay nasagip ang tatlong crew member ngunit wala pa ring malay.
“We are still looking for six missing individuals,” ayon kay Lee Ho-jun, opisyal mula sa Korea Coast Guard – Tongyeong office.
Ipinag-utos na ni South Korean President Yoon Suk Yeol sa mga kinauukulan na “do their best to save lives by mobilizing all available personnel and equipment, including navy and fishing boats.”
Ang lumubog na bangka ay galing sa southernmost island ng Jeju nitong Huwebes ng umaga.
Nagpadala na ng mga patrol boat, navy vessels at eroplano para sa nagpapatuloy na search efforts. RNT/JGC