Home METRO 11-anyos na babae kritikal sa ligaw na bala sa Maynila

11-anyos na babae kritikal sa ligaw na bala sa Maynila

102
0

MANILA, Philippines – Kritikal ang isang 11-anyos na dalagita matapos tamaan ng ligaw na bala mula sa mga lalaking nag-aaway sa Tondo, Maynila.

Naaresto naman ang isa sa mga suspek.

Ayon sa ulat, naglalakad lamang ang bata sa Sandico Street nang bigla na lamang itong bumulagta.

Tinamaan na pala ng bala ng baril na dala ng isa sa mga lalaki ang biktima.

Sinugod ng lalaki ang isa pang kaalitan nito na may dala naming pistola.

Ang biktimang dalagita ang tinamaan ng bala na para sana sa lalaking may dala nang sumpak.

Agad na nagtulong-tulong ang mga residente para itakbo ang babae sa ospital.

“Kritikal siya dahil may naiwang bala. Hindi tumagos ang bala, naiwan dito sa may leeg, gumapang daw sa likod,” ayon kay Chairman Ronny Depositar sa panayam ng GMA News.

Naaresto ang lalaking may sumpak sa ikinasang follow-up operation ng Manila Police District.

Patuloy namang tinutugis ang lalaking kaaway nito na pinaniniwalaang nakabaril sa biktima. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here