MANILA, Philippines- Arestado ang 11 Chinese na sangkot umano sa ilegal na konstruksyon ng isang mineral reprocessing plant sa Camarines Norte nitong Linggo ng umaga, base sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Sa ulat, kinilala ng PAOCC ang mga nadakip na sina Liu Wei Xi, Chen Gui Hua, Chang Si Ci, Chen Chan Xia, Liu Wei Mang, Yu Yun Lai, Zhen Zi Yu, Li Chun, Jiu Zhong Ren, Lou Peng, at Sheng Yuan Fan.
Nahuli ang 11 ng pinagsanib na mga tauhan ng PAOCC at ng Bureau of Immigration sa Purok 6, Barangay Tugos, Paracale bandang alas-8:30 ng umaga.
Base sa PAOCC, iniimbestigahan na sila ng mga awtoridad sa Oco Mineral Processing Plant sa Barangay Tugos. RNT/SA