Home NATIONWIDE Teachers’ group aapela sa pagbabalik ng Filipino bilang medium of instruction ‘gang...

Teachers’ group aapela sa pagbabalik ng Filipino bilang medium of instruction ‘gang Grade 3

162
0

MANILA, Philippines- Naging ganap na batas ang panukalang nagpapatigil sa paggamit ng mother tongue bilang medium of instruction mula kindergarten hanggang Grade 3.

Ito ay matapos maghintay ng 30 araw para sa lagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maisabatas.

Subalit, hindi sang-ayon sa nasabing batas ang ilang educators, sinabing maaaring maging mapanganib na transisyon ito para sa mga estudyante at sa mga guro sa regional areas.

“Itong ‘Filipino language,’ hindi lang naman ito tumu-turol doon sa Tagalog. Pag sinabi kasi nating Filipino language, as defined ng mga linguistics, kasama dyan ang mga regional languages,” pahayag ni Rep. France Castro, Alliance of Concerned Teachers Partylist, sa isang panayam.

“Masyadong delikado ito. Nagkaroroon ng confusion ang mga teachers kasi kung ang gagamitin na medium of instructions ay English and Filipino — nang hindi mo dine-define ano ba ‘yung composition ng Filipino — problematic ang law,” dagdag niya.

Anang mambabatas, sinisilip silang iapela ang batas sa Korte Suprema  dahil pinipigilan umano nito ang karapatang makapagpahayag ng mga estudyante at mga guro sa mga silid-aralan.

“Pinag-aaralan natin na mag-appeal tayo about diyan sa batas na ‘yan dahil talagang nagva-violate ito ng karapatan for expression ng ating mga kabataan at teachers sa loob ng eskwelahan,” anang solon.

Inaprubahan ng Senado noong Hulyo 23, 2024, ang panukalang nagsusulong ng pag-amyenda sa sections 4 at 5 ng Republic Act 10533, kilala rin bilang Enhanced Basic Education Act of 2013.

Sa ilalim ng panukala, ibabalik ang medium of instruction sa Filipino at hangga’t hindi ipinag-uutos ng batas, sa English, alinsunod sa Article XIV, Section 7 ng 1987 Constitution. Magsisilbi naman ang regional languages na auxiliary media of instruction. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here