INDONESIA – Labing-isang climbers ang natagpuang-patay kasunod ng pagsabog ng Marapi volcano sa Indonesia.
Kasabay nito, 12 pa ang pinaghahanap na nawawala.
Nitong Lunes, Disyembre 4, tatlo pang survivor ang nakita sa bulkan kasama ang bangkay ng 11 climbers, na kabilang sa 75 katao na nasa lugar nang mangyari ang pagputok nito.
Sa impormasyon, ang 2,891 meter high na bulkan ay pumutok nitong Linggo, at nagbuga ng tatlong kilometro ng abo.
Pansamantala namang inihinto ang search and rescue operation sa bulkan nang muli itong nagkaroon ng maliit na pagputok.
“It’s too dangerous if we continue searching now,” ayon sa Indonesian authorities.
Mayroon nang 49 climbers ang nailikas mula sa lugar at kasalukuyang ginagamot sa mga tinamong paso sa katawan. RNT/JGC