ISTANBUL – Labing-isang tao ang namatay at dalawa ang nasugatan Huwebes sa Yunnan province, timog-kanlurang China, matapos masagasaan ng test train na nagsasagawa ng seismic detection ang mga construction worker na pumasok sa riles sa isang kurbadang bahagi ng Luoyang Town Railway Station sa Kunming, ayon sa ulat ng state media.
Agad na na-activate ang emergency response plan at nagsimula ang imbestigasyon sa aksidente, ayon sa Global Times.
Muling nagpatuloy ang normal na operasyon ng istasyon habang ginagamot ang mga nasugatan.
Sinabi ng mga awtoridad na papanagutin ang mga responsable ayon sa batas, rerebyuhin ang insidente bilang aral, at magsasagawa ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan at katatagan ng operasyon ng riles. RNT