Home NATIONWIDE 11 election-related incidents naberipika ng PNP

11 election-related incidents naberipika ng PNP

MANILA, Philippines- Umakyat na ang bilang ng validated election-related incidents (ERIs) sa 11, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes.

Sinabi ng PNP na siyam sa validated ERIs ay “violent” habang dalawa ang “non-violent.”

Karamihan sa naberipikang ERIs ay iniulat sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa lima, sinundan ng Western Visayas sa dalawa. Tig-iisang validated ERI ang naitala sa Ilocos Region, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, at Cordillera Administrative Region. 

Bineberipika pa ng PNP ang dalawang hinihinalang ERIs sa Davao Region at Calabarzon.

Samantala, sinabi ng PNP na may kabuuang 1,783 indibidwal ang naaresto sa paglabag sa election gun ban. 

Karamihan sa mga ito ay mula sa Metro Manila sa 577, sinundan ng Central Luzon sa 254 at Central Visayas sa 249, base sa PNP.

Kabilang sa mga naarestong election gun ban violators ang mga sumusunod:

  • 12 PNP personnel

  • siyam na Armed Forces of the Philippines personnel

  • anim na tauhan mula sa iba pang law enforcement agencies

  • anim na elected government officials

  • dalawang appointed government officials

  • dalawang CAFGU Active Auxiliary

  • siyam na foreign nationals

  • tatlong children in conflict with the law

  • 31 security guards

  • 1,702 sibilyan

May kabuuang 1,825 firearms ang nasamsam kabilang ang 749 revolvers, 508 pistols, 70 gun replicas, 42 explosives, 39 Class A guns, 15 rifles, 12 shotguns, limang Class B guns, at iba pa.

Kasado ang araw ng eleksyon sa May 12. RNT/SA