Home NATIONWIDE 11 lugar nagbabadyang masapul ng dangerous heat index

11 lugar nagbabadyang masapul ng dangerous heat index

MANILA, Philippines- Inaasahang makararanas ang Pasay City, kasama ang 10 lugar sa bansa ng dangerous level ng heat index ngayong Martes, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Hanggang nitong Lunes, alas-5 ng hapon,  inaasahan ang heat index mula 42 hanggang 51 degrees Celsius sa mga sumusunod na lugar:

  • Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City- 42°C

  • Dagupan City, Pangasinan- 43°C

  • Aparri, Cagayan- 43°C

  • Puerto Princesa City, Palawan- 42°C

  • Aborlan, Palawan- 43°C

  • Central Bicol State University of Agriculture sa Pili, Camarines Sur- 43°C

  • Capiz- 44°C

  • Iloilo City, Iloilo- 43°C

  • Dumangas, Iloilo – 43°C

  • Catarman, Northern Samar- 42°C

  • Cotabato City, Maguindanao – 42°C

Samantala, maaaring makaranas ang Baguio City at Benguet State University sa La Trinidad ng heat index na 26°C.

Nakaamba naman ang heat cramps at heat exhaustion sa mga lugar sa ilalim ng 42 hanggang 51°C, na itinuturing na “dangerous.” Maaari ring makaranas ng heat stroke sa patuloy na exposure sa init.

Sinabi ng Department of Health nitong Martes na wala pang naiulat na kaso ng heat exhaustion sa bansa. RNT/SA

Previous articleMga mag-aaral, estudyante pinayagang magsuot ng komportableng damit sa pagpasok
Next articleSa gitna ng banta ng pertussis, sobrang init blended learning ipatupad – solon