Home METRO 11 mag-anak patay sa Florida Bus

11 mag-anak patay sa Florida Bus

95
0

ABULUG, Cagayan- Kalunos-lunos ang sinapit ng 11 mag-anak matapos na makabanggan ng mga ito ang isang Florida bus, kaninang umaga sa Brgy. Ayaga, Abulug, Cagayan.

Umabot na sa 11 indibidwal ang kumpirmadong namatay na kinabibilangan nina Rodolfo Time Jr., magkapatid na sina Evelyn Time at Christina Jane Time, kasama ang kanilang mga kaanak na sina Mary Jane Time, Lovely Time, Crishia Shane Time, Kimberly Mangupag-Time, Rodelyn Time, at Angel Time.

Ayon sa mga nakasaksi, mabilis umano ang patakbo ng pick-up truck na lulan ang mag-anak at pagdating sa pinangyarihan partikular na sa bahaging crossing naganap ang aksidente.

Sa lakas ng impak, wasak ang kanang bahagi ng sasakyan kung saan natanggal pa ang ilang mga parte nito.

Habang ang GMW na St. Joseph na pagmamay-ari ng Florida bus ay wasak din ang harapan at nagkabasag-basag ang salamin.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya na ikinasawi ng 11 mag-anak. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here