Home NATIONWIDE 11 mangingisda sa nasirang bangka nasagip ng PCG sa Zambales

11 mangingisda sa nasirang bangka nasagip ng PCG sa Zambales

259
0

ZAMBALES- Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 11 mangingisda matapos masira ang propeller ng kanilang sinasakyang bangka sa gitna ng karagatan malapit sa Capones Island, San Antonio.

Ayon sa PCG, pumalya ang propeller ng de-motor na bangka na kanilang sinasakyan ng mga tripulante kaya tumirik ito sa gitna ng karagatan.

Nakatanggap ng mensahe ang mga awtoridad hinggil sa insidente kaya mabilis na narespondehan at mahatak ang fishing boat na nadala sa ligtas na lugar.

Isinailaim din ang mga mangingisda sa physical at mental health assessment ang mga nasagip na tripulante.

Galing sa Subic, Zambales ang sinasakyan nilang motorbanca na patungong Capones Island ng maganap ang aberya. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here