PAMPANGA- Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang isang Top Most Wanted Person na akusado sa kasong panggagahasa matapos masakote ang suspek sa ikinasang manhunt operation ng pulisya Barangay Maysantol, Bulakan, Bulacan.
Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr.
Ang nadakip na suspek ay Top 4 Most Wanted Person (Municipal Level) sa bayan ng Sasmuan, Pampanga na akusado sa Rape by Sexual Assault.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Korte at walang inirekomendang piyansa laban dito.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. ROEL TARAYAO