Home METRO Kelot sugatan sa tambang

Kelot sugatan sa tambang

230
0

ILOCOS SUR-Sa ospital magpapasko ang isang 51-anyos na lalaki matapos tambangan at barilin ng hindi nakilalang suspek sa bayan ng Cabugao ng lalawigang ito nitong Miyerkules, Disyembre 24, alas-4:45 ng madaling-araw.

Ayon sa Cabugao MPS, ang biktima ay isang construction, may asawa, residente ng naturang bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, galing sa isang lamayan ang biktima at mag-isang naglalakad pauwi nang dalawang beses na pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos na barilin ang biktima.

Ang biktima ay isinugod sa Suero General Hospital sa naturang bayan. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here