COTABATO CITY — Labing-isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa militar sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Miyerkoles.
Ayon kay Lt. Col. Michael Allah Eugenio ng 90th Infantry Battalion, napagod na ang mga rebelde sa walang tigil na operasyon ng gobyerno at napagtanto nilang wala nang patutunguhan ang marahas na pakikibaka.
Isinuko ng mga ito ang 12 baril bilang patunay ng kanilang pagbabalik-loob.
Ang pagsuko ay bunga rin ng mas pinalakas na community engagement at mga programa gaya ng Enhanced Local Armed Conflict at TUGON ng BARMM.
Hinimok ni Eugenio ang iba pang BIFF na sumuko upang samantalahin ang alok ng kapayapaan mula sa gobyerno. Mary Anne Sapico