MANILA, Philippines – Malaki ang matitipid ng mga kumikita ng minimum pataas sa panukalang batas ni Senador Win Gatchalian na tinawag na Ginhawa Bill.
Itataas nito ang tax exemption mula ₱250,000 hanggang ₱400,000 taun-taon, kaya mawawala ang income tax para sa mga kumikita sa ilalim ng halagang ito.
Ani Gatchalian, para itong dagdag isang buwang sahod para sa mga nagtatrabaho.
Halimbawa, ang call center agent na kumikita ng ₱25,000 buwan-buwan ay hindi na magbabayad ng ₱314 na income tax buwan-buwan kapag naisabatas ang Ginhawa Bill.
Ganun din sa mga private nurse at guro na kasalukuyang nagbabayad ng buwis sa kasalukuyang sistema.
Sa ilalim ng panukala, malaki ang maitutulong para sa mga manggagawa na mapakinabangan ang kanilang kita para sa pagkain, edukasyon, at kalusugan. Ernie Reyes