MANILA, Philippines – Naipit umano sa Middle East ang ilang mga lokal na opisyal matapos ang kanilang personal travel.
Ayon ito kay Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla sa Kapihan sa Manila Bay at kinumpirma na kabilang sa mga opisyal ang 11 na vice mayors.
Gayunman, nilinaw naman ni Remulla na bagamat personal travel ang mga ito ay nabigyan naman sila ng travel authority.
Sinabi pa ni Remulla na may isa pang kasama ang mga opisyal ngunit hindi aniya tiyak kung ito ay isang mayor at hindi pa tiyak kung may balido itong papeles o permit to travel.
Ang kanilang pagbiyahe sa Dubai ayon sa kalihim ay hindi pera ng gobyerno kundi mga sarili nilang gastos dahil ito ay personal travel. Jocelyn tabangcura-Domenden